<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener('load', function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <div id="navbar-iframe-container"></div> <script type="text/javascript" src="https://apis.google.com/js/platform.js"></script> <script type="text/javascript"> gapi.load("gapi.iframes:gapi.iframes.style.bubble", function() { if (gapi.iframes && gapi.iframes.getContext) { gapi.iframes.getContext().openChild({ url: 'https://www.blogger.com/navbar/13741161?origin\x3dhttp://drmknghistory.blogspot.com', where: document.getElementById("navbar-iframe-container"), id: "navbar-iframe", messageHandlersFilter: gapi.iframes.CROSS_ORIGIN_IFRAMES_FILTER, messageHandlers: { 'blogger-ping': function() {} } }); } }); </script>

« Home | 2006 Victoria's Secret Fashion Show music, anyone? » | Pet Peeves: Exaggeratedly Dangerous » | I want those S805 DJ Headphones. Now! » | In choosing my demise » | A being wishing to "Be Human" » | The Electrophoretic Display. Say what?! » | Back to basics with the MOTOFONE » | Almost a month of caffeine overload » | All I Want for Christmas is to Give » | A Resounding "What-the-f..." for Ultra Cryptic Posts »

Sunday, April 01, 2007

Sulat ni Nanay at Tatay sa Atin

Work has caught up with me at last. I was gearing for a longer head start. Far enough so it could not grab my ankle and hold me down my office chair in front of the PC on weekends to labour on unfinished tasks which are all equally urgent. I was mistaken. It took work three months. Three months before it had both my hands tied helplessly to my back as it whispered in a coarse sad voice, "you can't run far enough for long. What made you think you could?" It was good enough, though. Three months.

Having said that, and having hopefully had an aweful good enough alibi not to write anything of substance of late, I give you something that you may have a piece at, if you haven't already read it. It touched my heart and I hope it does yours. It was said to have been written by a certain Rev. Fr. Ariel F. Robles, CWL Spiritual Director of the St. Augustine Parish in Baliuag, Bulacan.

Sulat ni Nanay at Tatay sa Atin

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at
pagpasensyahan. Kapag dala ng kalabuan ng mata ay
nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag
kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin
ang isang matanda. Nagse-self-pity ako a tuwing
sisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan
ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng
"binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat
nalang. Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong
tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo
noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging
makulit at paulit ulit na parang sirang plaka. Basta
pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong
pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo
anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng
lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang
mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo.
Pinagtiyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy
matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting
maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit
kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan.
Natatandaan mo noong bata ka pa? pinagtiyagaan kitang
habulin sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit,
dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo,
maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentohan naman tayo,
kahit sandali lang. inip na ako sa bahay, maghapong
nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho,
subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik na
akong makakwentohan ka, kahit alam kong hindi ka
interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak,
noong bata ka pa? Pinagtiyagaan kong pakinggan at
intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa
iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakit at
maratay sa banig ng karamdaman, huwga mo sana akong
pagsawaan alagaan. Pagpasensyahan mo n asana kung ako
man ay maihi o madumi sa higaan, pagtiyagaan mo sana
akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.
Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan
mo sana ang aking kamay at bigyan mo ako ng lakas ng
loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos
na lumikha, ibubulong ko sa kanya na pagapalain ka
sana ... dahil naging mapagmahal ka sa iyong ama't ina...

Sometimes a lot of us forget. At least this here could remind me should I forget yet again. Thanks Rose F. for the email.

Labels: ,

:

Post a Comment

<< Home