New ATM Syndicate
Habang nakapila ako’t magwi-withdraw sana sa ATM sa BPI na malapit sa bahay namin, nakita kong antagal ng naghihintay nung isang mamang nauna sa akin. Naka-fatigue syang uniporme. Tamang militar. Mukhang nag-hang nanaman ang hayup na ATM. Pagkatapos siguro ng mga dalawang minuto eh nag-luwa din ng resibo ang ATM. Mukhang walang na-withdraw ang mama. Minabuti ko na munang magtanong habang pababa na ang mama sa hagdan palayo sa ATM patungo naman sa bandang kinatatayuan ko.
Fritz: Offline po ba?Akala ko eh kelangan ko nanamang lumayu-layo para lang maka-withdraw. Ang weird ng machine na to. Pumanik na ako sa ATM. Tumambay si Navy Seal sa tabi ko, mga apat na metro ang layo sa bandang kaliwa ko. Nagsasalita pa rin. Ayaw akong tantanan bagama’t hindi ko na sya kinakausap.
Navy Seal: Ah, hindi ho...
Fritz: Parang di ata kayo naka-withdraw.
Navy Seal: Ah, required po kasi kaming kumuha ng ATM print-out para pruweba ng oras ng pagbisita namin sa mga ATM ng bangko. System check lang ho. Taga-BPI po ako.
Fritz: Ganun ba? Salamat po...
Navy Seal: pag ganun pung transaction cancelled, di po kayo kailangang mabahala...pero po pagbumukas yung cash-slot tas walang lumabas na pera, malamang po dinadale kayo ng bagong modus operandi ng mga sindikato ng ATM nyan, lalo na ngayung magpapasko.
Tumangu-tango lang ako habang panandaliang lumilingon lang sa direksyon nya, tanda ng pag-galang, at habang kumukuha na rin ng pera ko sa ATM.
Tapos na transaksyon ko.
Paalis na ako eh nakabuntot pa rin yung mama.
Navy Seal: Pag nangyari po yan tiyak may maoobserbahan kayong naka-tambay sa labas ng machine. Nagmamasid. Tawag sa kanila eh Ruler-Gang.
Hinarap ko at tumigil na sa kakalakad, inulit ko ang huli nyang sinabi. Pakshet tama ba dinig ko...
Fritz (pinipilit na wag matawa): Ruler-Gang? (said to the tone of: you must be fucken' kidding me, man?!)
Navy Seal: Oho. Ginagawa kasi nila eh nilalagyan nila ng ruler na may pandikit sa isang side yung loob ng cash dispenser. Akala ng nagwi-withdraw walang lumabas na pera. Actually mahaharang yan ng ruler sa loob. Hihigupin ng machine yung cash dahil akala nito hindi nakuha ng account holder yung pera pagkatapos ng ilang seconds. Pero may ilang matitira dyan, didikit sa ruler. Pag lumabas kayo agad eh may papasok nyan sa machine tas susungkitin yung ruler sa loob na may iilang nakadikit na pera. Mainit po ngayon ang nakawan sa ATM lalo na’t magpapasko.
Fritz: Kung sakaling mangyari sa akin yan, halimbawa, tawag lang ako agad sa hotline nyo sa 89-100…
Navy Seal: Opo, itawag nyo lang po agad dahil kami rin agad ang pupunta nyan. Dati mainit ang BPI pero ngayon eh **** bank ang madalas nilang target nitong mga nakaraang araw.
Sa ikli ng pagbisita ko at sa pag-kuwang kukuha lang ng pera eh may nakuha pa akong tip. Ibang klase.
Kaya kayong nakabasa nito, isang babala. Mag-ingat.
:
fritzie, ikaw ba sumulat nito? doesn't sound like you!!! hehehe..tagalog kasi e.
Tagalog kasi usapan namin eh, baka mabiak pa ulo ko kakaingles nun at mawala ang essence, hehehe. Oo ako sumulat nyan!
di kaya member si navy seal ng ruler gang? hehehe. bakit concerned sya sa iyo?
Baka walang kumakausap, hahaha! Taragis, kinakabahan nga ako baka hold-up eh. Weirdo.
I was waiting for the "twist"... kinakabahan ako while reading your post... akala ko may nakuhang pera sayo...
Ayos! may libreng tip...
Siniseryoso ni manong yung trabaho niya kaya siguro in-orient ka na
;-D
hahaha, wala namang twist. sabi ko nga: kung halimbawang ako ay taga-basa alng at nakita ko tong blog na to at ordinaryo lang ang topic ay HINDI KO TO PAGTITIYAGAANG BASAHIN! ANg hirap kaya magbasa ng tagalog! Pero dahil for public awareness naman ang topic eh nag-experiment na ako. Tutal magtitiyaga talaga ang magbabasa kung para sa safety lalo ng napapanahon ang nakawan. :D Dapat may award yung mamang navy seal. Tamang serbisyo publiko talaga.
oo nga kakaiba, tagalog
Post a Comment
<< Home